skip to main |
skip to sidebar
Manifesto ng tunay na lalake:
- Ang tunay na lalake ay laging kulang sa tulog.
- Ang tunay na lalake ay di gaanong nagte-textback maliban sa kanyang syota. Gayunman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
- Ang tunay na lalake ay walang abs.
- Ang tunay na lalake ay di gaanong sumasayaw.
- Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
- Ang tunay na lalake ay may bigote sa baba, kung wala man ay malalim ang mga mata.
- Ang tunay na lalake ay may isang butas at hikaw lamang sa kaliwang tainga.
- Ang tunay na lalake ay di nagpapalit-palit ng cellphone at sim card.
- Ang tunay na lalake ay di gaanong sumusunod sa kung anumang uso sa fashion.
- Ang tunay na lalake ay tahimik at may kapit ang tingin.
- Ang tunay na lalake ay di naghahamon at nakikipag-away sa kapwa tunay na lalake maliban na lang kung uunahan siya.
- Ang tunay na lalake ay di nambabastos ng mga babae at bakla.
Inumin ng mga tunay na lalake:
No comments:
Post a Comment